12.01.2005

Para kay Bos Jani at Lola Edeng


Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Tatapangan ko na po ang aking "hiya" para sabihin sa inyo na ngayon pa lamang po, pinananabikan ko na ang tawagin kayong Nanay at Tatay! Sabi nila, isa sa pinakamahirap na pinagdadaanan ng babaeng bagong kasal ay ang pakibagayan ang kanyang bagong biyenan. Yan din po ang akala ko noon bago ko kayo makilala. Pero sa maikling panahon po na tayo ay nagkasama (sa Singapore at nung isang araw na nakasama ako sa Bataan) naramdaman ko po ang "init" ng pagtanggap ninyo sa akin. Dahil diyan, napakalaki po ng ipinagpapasalamat ko sa Diyos. Kung gaano po ako nananabik na maikasal kay Jon-Jon, gayon din po ang maging parte ng pamilya ninyo...maraming maraming salamat po sa pagpapalaki at pagaaruga ninyo kay Jon. Nadala po niya pati sa aming relasyon ang lahat ng pangaral at turo ninyo. Minsan, hindi ko po maiwasan ang mahiya dahil alam ko po na lahat ng sakripisyo at paghihirap na dinanas ninyo mapalaki lamang ng tama at mabuti si Jon, ako po ang direktang makikinabang. Pero huwag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po ng mabuti si Jon. Papahalagahan ko po ang pangalan niya at sisiguruhin ko po na hindi kailanman ko ipagkakait sa kanya ang mahalin at alagaan kayo. Ipinagdarasal ko po na maging mabuti akong "manugang" para ng sa gayon, hindi kayo mawawalan ng anak, bagkus madadagdagan pa ng isa. MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA PAGBIBIGAY SA AKIN NG ISANG LALAKING MAGINOO, MABAIT, MAAALALAHANIN, MAY PRINSIPYO SA BUHAY, MAY PANGARAP, AT HIGIT SA LAHAT, MAY TAKOT SA DIYOS.Mahal ko po kayo!

I PROMISE TO TAKE GOOD CARE OF YOUR "BUNSOY"

1 Comments:

Blogger bong said...

Jon's Mom & Dad are like my second parent. I clearly remember nanay whenever she sees you or anyone in fact, she asks two questions. "Kamusta ka na?" and "Kumain ka na ba?". I dont know if its because I was "WAS" a little chubby that time. Then Tatay, he's like the dad from that 90's commecial of Jollibee, saying "Sa jollibee? siguradong sa jollibee?" with that low, authorative tone. But, all in all they are good people and I assure you myrna, you are in good hands - Best Wishes...... bong Obispo

2:43 AM  

Post a Comment

<< Home

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)